Sa hearing ng House Committee on Basic Education chaired by Cong. Roman Romulo kahapon, Marso 13 na dinaluhan ng mga lider ng TDC at NaHTAP, muling natalakay ang Career Progression Bill.

Nagpahayag ng kani-kanilang opinyon sina Benjo Basas, TDC Chairman at Dino Busilig, Lead Convenor at Spokesperson ng NaHTAP sa nasabing pagdinig.

Hindi naaprubahan ang substitute version dahil sa kakulangan ng mga kaukulang datos mula sa DBM. Narito ang ilang highlights:

1. Ito ay panukala ng Kongreso bagamat mayroon nang EO 174 na hinihintay na lamang ang IRR mula DepEd, PRC, CSC at DBM;

2. Magkakaroon ng mga bagong posisyon na hanggang Teacher VII at Master Teacher V;

3. Mananatili ang HT positions ngunit magiging co-terminous ito (kung pipiliin nila kasi puwede ring retitling to MT depende sa level ng SG);

4. Itataas ang entry-level ng teacher mula SG-11 to SG-12;

5. Aalisin ang quota ng bilang ng teacher sa isang department/school sa distribution ng MT;

6. Magkakaroon ng Comprehensive Performance Assessment for teachers na magiging batayan ng promotion ng mga guro.

Muli po, ito ay panukala pa lamang mula sa Basic Education Committee ng Kamara. Kung mauuna itong ipasa kaysa s apaglabas ng IRR ng EO 174, ay kailangang mag-adjust ang DepEd sa lalamanin nito.


SOURCE: TDC
------------

Complete MELCs with CG Codes and Guidelines for Kinder to Grade 12 in all subjects: DOWNLOAD
Guide for Teachers in use of MELCS: DOWNLOAD