Assalamualaikum.

Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan!

Magandang araw sainyong lahat.

Binabati ko po kayong lahat ng isang maligayang pasko.

Magkakasama tayo sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus. Magkakaiba man ang ating prinsipyo, paniniwala, at pamumuhay pinagkakaisa naman tayo ng pananampalataya, mithiin at pangarap, at pagmamahal sa isa’t isa.

Hangad ko na maging makabaluhan ang ating selebrasyon ng pasko sa kabila ng mga pagsubok na dumadating sa ating buhay. At sana ay magpatuloy tayo sa pagiging matatag para sa ating mga sarili, at sa ating mga pamilya, at para sa ating bansa.

Maligayang pasko sa inyong lahat! Nawa ay magkaroon ang lahat ng mapayapa, masaya, maunlad, at manigong Bagong Taon! Patuloy nating mahalin ang Pilipinas.

Shukran.

Sara Z. Duterte

Vice President of the Republic of the Philippines
Secretary of the Department of Education

------------

Complete MELCs with CG Codes and Guidelines for Kinder to Grade 12 in all subjects: DOWNLOAD
Guide for Teachers in use of MELCS: DOWNLOAD