GOOD NEWS! SENATOR MARCOS: SUSPEND SALARY DEDUCTIONS

IMEE: SSS, GSIS, PAG-IBIG PHILHEALTH, TIGIL-SINGIL MUNA!

PRESS RELEASE

Sa gitna ng idineklarang national state of energy emergency, nanawagan si Senadora Imee R. Marcos sa SSS, GSIS, PAG-IBIG at PhilHealth na magpatupad ng pansamantalang tigil-singil at loan moratorium upang maibsan ang tumitinding bigat na dinaranas ng mga Pilipino dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

Ayon sa senadora, ramdam na ramdam ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyante ang epekto ng krisis sa enerhiya, mula sa pamasahe hanggang sa presyo ng pagkain, kaya’t malaking tulong kung ipagpapaliban pansamantala ang paniningil ng mga nabanggit na ahensya.

“Ang krisis sa gasolina at krudo ay pabigat lalo sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Pilipino, lalo na sa ating mga manggagawa. Kaya’t marapat lamang na bigyan natin sila ng kahit isang buwan o higit pang palugit sa pagbabayad ng kanilang mga obligasyon,” pahayag ni Marcos.


“Wag muna nating kaltasan ang kanilang sahod. Ibigay muna ito nang buo upang kahit paano ay makasabay sila sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng bilihin,” dagdag pa niya.

Iginiit pa ng senadora na nagawa na ang ganitong hakbang noong panahon ng pandemya at sa mga nakaraang kalamidad, kung saan nakatulong ang mga palugit upang makabangon ang mga apektadong sektor.

“Patuloy ang krisis na ito na wala pang kalinawan kung hanggang kailan matatapos. Nararapat lang na gawin natin ang lahat ng makakaya para matulungan ang taumbayan,” pagtatapos niya.

Source: https://www.facebook.com/100044550874455/posts/1524709835690698/?mibextid=rS40aB7S9Ucbxw6v