₱45M Teachers’ Allowance: Natanggap na ng mga Guro ng Maynila!
Natanggap na kahapon ng ating mga kaguruan sa pampublikong paaralan ang kanilang teachers’ allowance para sa May at June 2025—isang benepisyong patuloy nating tinutupad kahit gipit ang lungsod sa pananalapi.
Hindi na rin lingid sa kaalaman ng marami na tukod na tukod tayo sa pinansyal dahil sa sangkatutak na obligasyong iniwan ng nakaraan. Pero pasasaan ba’t makakaraos din tayo. Ang malinaw: hindi natin tatalikuran ang obligasyon natin sa mga guro, gagawa tayo ng paraan para sila ay may mapagharimunan.
Kaya humihingi po tayo ng kaunting pang-unawa at pasensya mula sa ating mga kababayan habang patuloy nating inaayos ang pinansyal na kalagayan ng ating siyudad.
Mga guro ng Maynila, salamat sa inyong tiyaga, malasakit, at araw-araw na sakripisyo para sa mga Batang Maynila!
Source: Isko Moreno Domagoso FB Page

0 Comments