GSIS: HINDI MANININGIL NG EMERGENCY LOAN SA LOOB NG TATLONG BUWAN PARA SA MGA APEKTADO NG BAGYO

Bilang tugon sa mga miyembro at pensioner na labis na naapektuhan ng pananalasa ng mga bagyo, magpapatupad ang Government Service Insurance System (GSIS) ng 3-month grace period (moratorium) sa pagbabayad ng emergency loans.


Ibig sabihin, hindi muna kailangang magbayad sa loob ng tatlong buwan upang mabigyan ang mga miyembro at pensioner ng panahon na makabawi, makarekober, at muling makapagsimula nang hindi agad nabibigatan sa mga bayarin.


Layunin ng GSIS na maibsan ang pinansyal na pasanin ng mga apektadong miyembro at pensioner habang unti-unting bumabangon mula sa pinsalang dulot ng kalamidad. Sa panahong ito ng pagsubok, nananatiling matatag na katuwang ng mga lingkod-bayan at retirado ang GSIS sa kanilang pagbangon at muling pag-asenso.


Schedule ng Pagbabayad:

• Mga loan sa November 2025 → unang bayad sa April 10, 2026

• Mga loan sa December 2025 → unang bayad sa May 10, 2026

• Mga loan sa January 2026 → unang bayad sa July 10, 2026

• Mga loan sa February 2026 → unang bayad sa August 10, 2026


Bukas ang GSIS Emergency Loan Program mula Nobyembre 7, 2025 hanggang Pebrero 7, 2026.


Maaaring mag-apply ang mga kwalipikadong miyembro at pensioners sa GSIS Touch mobile app o sa pinakamalapit na GSIS branch.


Source: GSIS