Nagpahayag ng matibay na suporta ang mga senador sa pamumuno ni Education Secretary Sonny Angara matapos aprubahan ang proposed ₱1.044-trillion budget ng Department of Education (DepEd) para sa 2026—ang pinakamalaking alokasyon sa kasaysayan. Itinuturing ng Senado na malinaw at matatag ang direksyon ng mga reporma sa DepEd, dahilan upang ganap nilang pagtibayin ang pondo na layong palakasin ang mga programa, imprastraktura, at kalidad ng edukasyon para sa kabataang Pilipino.
Nagpahayag ng suporta ang mga senador sa pamumuno ni Education Secretary Sonny Angara nang aprubahan nila ang proposed PhP1.044-trillion budget ng Department of Education (DepEd) para sa 2026, ang pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa.
Sa plenary deliberations, nagpahaya si budget sponsor at Senate Committee on Finance chair Win Gatchalian at iba pang senador ang mas malinaw at mas tutok na direksyon ng mga reporma sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Angara bilang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng alokasyon at sa nagkakaisang suporta ng Senado para sa DepEd.
Matibay ang naging pahayag ni Sen. Bam Aquino, chair ng Committee on Basic Education sa suporta para sa DepEd: “To the DepEd family, we’re here to support. Ito pong budget na ito, ito po yung simula. Hopefully, it can be a fresh start for our education system. Basta pinagtutulungan po natin para sa ating kabataan, I’m sure maabot po natin ang ating pangarap natin para sa kabataan.”
Sumang-ayon dito si Majority Leader Migz Zubiri, na binigyang-diin ang tiwala ng Kongreso kay Angara. “We trust that under the able leadership of our distinguished former colleague, Secretary Sonny Angara, this sizable budget will accelerate the construction of classrooms, improve the compensation for teachers and tutors, and ensure that every learner has access to textbooks and other school materials that they need. I wish to congratulate Secretary Sonny and the entire DepEd family on the performance over the past year which has been foundational to securing this historic budget.”
Idinagdag naman ni Sen. Pia Cayetano na handa ang DepEd tugunan ang mga rekomendasyon ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II): “What is so heartwarming is that many of the findings of EDCOM were very easily translatable into actionable action and final products because the Secretary was very familiar with it.”
Kinilala rin ng mga Senador na mas nagiging malinaw na ang direksyon ng mga reporma sa DepEd. Inilahad ng DepEd ang mga ginagawa nang hakbang—ang streamline Senior High School curriculum, mas matibay na TESDA-aligned certification para sa Tech-Voc, at ang pilot rollout ng bagong SHS curriculum. Para sa mga mambabatas, senyales ito ng mas buo at mas tumutugong education agenda.
Isa ring malaking bahagi ng talakayan ang imprastraktura. Sa pakikipagtulungan ng Senado para magamit ang iba’t ibang construction pathways kagaya ng LGU partnerships, PPPs, CSOs, leasing schemes, at direct DepEd-managed build, inaasahang bibilis ang paggawa ng mga silid-aralan at mababawasan ang overcrowding sa mga darating na taon.
Kinumpirma rin ng DepEd ang plano nitong tuluyang maresolba ang teacher shortage sa 2026 sa pamamagitan ng pinalawak na hiring, pagpapalawak ng digital connectivity sa libo-libong paaralan, at pagde-deploy ng 10,000 school counselor associates para palakasin ang mental health at anti-bullying programs.
Nagpasalamat naman si Education Secretary Sonny Angara sa Senado sa buong suporta para sa budget ng DepEd, na nagpapakita ng mas malawak na adhikain para isulong ang basic education agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“Para sa amin sa DepEd, ang suporta ng Senado ay malinaw na patunay na buong bansa ang nakatutok sa muling pagbangon ng basic education. Ito ang pagkakataon para makapagtayo ng mas maayos na silid-aralan, makapagbigay ng mas matibay na suporta sa ating mga guro, at masiguro ang mas malusog at handa sa mundo ang mga mag-aaral. Gagawin naming kapaki-pakinabang ang halagang ito sa pamamagitan ng mga pagbabago na tunay na mararamdaman ng bawat Pilipino,” ani Angara.
Source: DepEd




0 Comments