Sa patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng edukasyon, isang malaking tulong na naman ang ipagkakaloob sa ating mga dedikadong guro at kawani ng mga pampublikong paaralan. Bawat isa sa mahigit 2,900 na teaching at non-teaching personnel ay makatatanggap ng bagong laptop o desktop computer — isang hakbang upang mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagtuturo at pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Ang programang ito ay bahagi ng pagpapahalaga sa walang sawang sakripisyo at serbisyo ng ating mga guro, na patuloy na gumagabay sa mga mag-aaral tungo sa tagumpay. Sa tulong ng mga bagong kagamitan, inaasahang mas mapapadali at mapapaganda ang proseso ng pagtuturo, lalo na sa paggamit ng teknolohiya sa edukasyon.

Tunay ngang nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang kapakanan ng mga guro, na itinuturing na susi sa mas maunlad na kinabukasan ng mga Malabueño. Sa proyektong ito, ipinapakita ng lungsod ang taos-pusong pasasalamat at suporta sa mga tagapaghubog ng kabataan — ang ating mga guro.


Magandang balita para sa ating mga guro! 💙

Bawat isa po sa 2,900 na teaching and non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralan ang makakatanggap ng laptop o desktop

Ito ay bilang pasasalamat natin sa ibinibigay ninyong sakripisyo at dedikasyon sa paggabay at paglinang ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral sa lungsod.

Para po sa atin, ang mga guro amg susi sa mas maunlad na buhay ng mga Malabueño sa hinaharap. Nawa ay magamit ninyo ang mga laptop at desktop para mas mapabuti ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga kabataan.

-Mayor Jeannie Sandoval