Ipinababatid ng DepEd na ang pagpapatupad ng preventive class suspension ay hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at kawani ng mga paaralan.
Hinihikayat natin ang pag-unawa at pakikiisa ng lahat para sa pagpapatupad ng inisyatibong ito.
Basahin ang official advisory ng DepEd kaugnay nito.
October 13, 2025 - Ipinapaabot ng Department of Education (DepEd) sa publiko na ang mga preventive class suspensions o pansamantalang pagtigil ng klase ay bahagi ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani habang isinasagawa ang mga gawain para sa kahandaan sa sakuna.
Maaaring magpatupad ang mga Regional Office at Schools Division Office ng DepEd ng preventive suspensions upang magsagawa ng structural inspection at iba pang aktibidad upang masiguro na handa ang mga paaralan sakaling magkaroon ng malakas na lindol o iba pang kalamidad. Isinasabay din ang mga hakbang na ito sa pag-iingat laban sa mga sakit.
Sa panahon ng preventive suspension, ipinatutupad ang mga alternatibong paraan ng pag-aaral upang tuloy pa rin ang edukasyon habang prayoridad ang kaligtasan ng lahat.
Hinihikayat ng DepEd ang pakikiisa ng mga magulang, guro, at lokal na pamahalaan sa mga inisyatibang ito upang masiguro na ang bawat paaralan ay handa at ligtas sa harap ng anumang sakuna.
Source: DepEd Philippines FB
0 Comments