Mas pinapalakas pa ng Kagawaran ng Edukasyon ang laban para sa kinabukasan ng bawat batang Pilipino. Sa ₱928.52 bilyong panukalang budget para sa 2026, tiniyak natin na bawat piso ay direktang mapupunta sa guro at mag-aaral:
• ₱16B – laptops para sa mga guro at internet connectivity sa mga paaralan
• ₱6B – career progression na makakatulong sa promosyon ng 113,000 guro at school heads
Sa pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos at sa ilalim ng Bagong Pilipinas, bawat piso ng pondo ay nakatuon upang maramdaman ng mga pamilya, guro, at kabataan ang tunay na pagbabago.


0 Comments