ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at Former Rep. France Castro, kasama ang ilang mga guro, ay nakipagdayalogo sa Government Service Insurance System (GSIS) upang talakayin ang matagal nang suliranin hinggil sa arrears na pabigat sa ating mga guro.

Sa dayalogo, giniit ng ACT Teachers Partylist sa GSIS ang maayos na pagpapatupad ng Board Resolution No. 136, na naglalaan ng pagbabawas sa arrears ng mga miyembro. Isang malaking panalo ito para sa mga guro na matagal nang pinapahirapan ng lumolobong balanse ng kanilang mga utang.

Ibinahagi ng GSIS na ang rekomputasyon ng arrears batay sa resolusyong ito ay nagresulta na sa malaking pagbaba ng obligasyon ng mga guro; ang ilan ay nabawasan pa ng kalahati ang dating arrears.

PAANO MAPAPABAWAS ANG UTANG?

✅ Pumunta sa pinakamalapit na tanggapan ng GSIS at humiling ng rekomputasyon ng inyong utang. Obligado ang opisina na iproseso ito at hindi maaaring tanggihan ang inyong kahilingan. Kung sakaling tumanggi, agad itong i-report sa ACT Teachers Partylist.

✅ Bilang alternatibo, i-download ang GSIS GTouch App at magsumite ng kahilingan para sa rekomputasyon online. Ayon sa GSIS, tumatagal ng 20 working days ang proseso.

Patuloy na itataguyod ng ACT Teachers Partylist ang mga concerns ng ating mga guro at kawani sa GSIS. Hinihikayat namin ang GSIS na tiyakin ang ganap na pagpapatupad ng patakarang ito at pabilisin ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong miyembro.

Source: ACT Teachers Party-List