𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚

Mayo 14, 2022 – Buong pusong nagpapasalamat ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), sa pamamagitan ni Kalihim Leonor Magtolis Briones, sa ating mga guro at personnel na nanilbihan sa katatapos lamang na 2022 National and Local Elections.

Muli na namang nasaksihan ng bansa ang katapangan at dedikasyon ng malaking samahan ng ating mga tagapagturo na lubusang nagbahagi ng kanilang kontribusyon sa ligtas at maayos na pagsasagawa ng halalan ngayong taon. Nais naming ibalik ang pabor sa ating mga guro sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pakikipagtulungan sa Commission on Elections (COMELEC) sa paglabas ng kanilang poll honoraria at iba pang allowances bago o sa Mayo 24, 2022, ayon sa nakasaad sa COMELEC Resolution No. 10727.
        New Weekly Learning Plan-Download
Kikilalanin din natin ang limang (5) araw na service credit para sa mga nanilbihan bilang miyembro ng Electoral Boards at DESO, at kani-kanilang support staff.Bukod dito, iminungkahi ng DepEd Election Task Force (ETF), sa pangunguna ni Pangalawang Kalihim Alazin Del B. Pascua, kasama si Director Marc Bragado bilang operations head, sa COMELEC ang karagdagang P3,000 na sahod sa buong board para sa dagdag na oras na inilaan ng ilang mga guro dahil sa mga isyu ng VCM at SD card.

Pinapaalalahanan ang publiko na ang COMELEC ang siyang responsable sa pagproseso at pagpapalabas ng honoraria na kaugnay ng eleksiyon.

Gayunpaman, proaktibong naghahanap ang DepEd ng mga paraan upang mabayaran pa ang ating mga guro para sa kanilang serbisyo sa halalan, sa tulong ng mga polisiya ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission of Audit (COA) at sa tulong ng Kongreso.

Source: DepEd

Free to download: