Inihahanda ng Department of Education (DepEd) ang isa sa pinakamalaking hiring ng mga bagong guro para sa 2026, kasunod ng pag-apruba ng administrasyong Marcos sa budget para sa higit 30,000 bagong classroom teachers.
Sa 2026 National Expenditure Program, nakapaloob ang 32,916 na bagong Teacher I items, isa sa pinakamalaking taunang dagdag sa plantilla ng DepEd. Mahalaga ang pagpapalawak na ito lalo na’t patuloy na humaharap ang mga paaralan sa mataas na bilang ng mag-aaral at mas mabigat na instructional needs matapos ang mga taong may learning disruption.
Itinulak ni Secretary Sonny Angara ang mas agresibong pagdaragdag ng guro bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang suporta sa teaching workforce.
“Sa bawat pagpunta namin sa mga paaralan, malinaw ang hinihingi. Bukod sa dagdag na kagamitan o pasilidad, kailangan ng dagdag na guro para hindi na sobra ang dami sa isang classroom,” ani Angara.
Ayon pa sa kanya, simbolo rin ng tiwalang ibinibigay ng Kongreso ang pinalakas na suporta sa budget ng DepEd at sa mga repormang isinusulong nito.
Kasama sa 2026 expansion ang 6,000 School Principal I at 10,000 School Counselor Associate I positions bilang tugon sa leadership gaps at tumataas na kaso ng guidance work at bullying sa mga paaralan.
Nakatakda din magkaroon ng bagong 6,000 School Principal I at 10,000 School Counselor Associate I positions. Tugon ito sa mga puwang sa pamumuno at sa agarang pangangailangan na palakasin ang guidance services para mapabuti ang kapakanan ng mga mag-aaral at matugunan ang mga kaso ng bullying sa mga campus.
Kasabay nito, tinatapos na rin ng DepEd ang hiring pipeline para sa mga posisyong nalikha sa mga nakaraang taon. Para sa FY 2025, nakatakdang i-hire at i-deploy ang kabuuang 20,000 bagong teaching positions, kabilang ang 33,052 unfilled items mula pa noong mga nakaraang taon.
Pinalalakas din ng DepEd ang hiring para sa mga administrative at project development officer positions upang mabawasan ang non-teaching workload ng mga guro. Para sa FY 2026, nakatakdang mag-hire ang DepEd ng 11,268 Administrative Officer II (AO II) positions upang maabot ang 1:1 AO II ratio sa bawat paaralan, at 5,000 Project Development Officer I (PDO I) positions para mas suportahan ang pagpapatupad ng mga programa sa school level.
Ayon sa DepEd, ipinapakita ng 2026 hiring plan ang parehong pangangailangan na maibsan ang siksikan sa mga silid-aralan at ang tiwalang ibinibigay sa kagawaran upang magpatupad ng sistemikong reporma.
Sa pamumuno ni Angara, naisakatuparan ang mga reporma para sa kapakanan ng mga guro, kabilang ang bagong inilunsad na Inclusive Employment Policy, updated guidelines sa overtime at overload pay para luminaw ang patakaran sa kompensasyon, at workload rationalization na nagtatanggal ng mga gawaing administratibo mula sa mga guro upang makapagpokus sila sa pagtuturo.
Kapag naaprubahan sa General Appropriations Act, inaasahang magpapabuti ang pagpapalawak na ito sa takbo ng operasyon sa mga paaralan at magpapatatag sa frontline capacity ng basic education sa buong bansa.
“Matagal nang hinihintay ng sektor ang ganitong laki ng pondo. Historic ang 2026 budget dahil unang pagkakataon na sabay-sabay nating natutugunan ang pangangailangan sa guro, suporta sa paaralan, at paghahanda sa bagong kurikulum,” ani Angara.
Source: DepEd

0 Comments