Pirmado na ni Education Secretary Sonny Angara ang revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Bullying Act of 2013 na nagtatakda ng mas malinaw, mas malawak, at mas mahigpit na gabay para sa mga paaralan laban sa bullying.

TUGON SA SONA:
Mas Malinaw, Mas Malawak, at Mas Mahigpit na Anti-Bullying Guidelines

Checklist ng Standard Anti-Bullying Policy
✅ School-wide prevention at intervention programs
✅ Malinaw na kahulugan ng bullying
✅ Maayos at malinaw na disciplinary administrative sanctions, reporting, investigation, protection, at referral system
✅ Edukasyon para sa mga estudyante at magulang ukol sa bullying
✅ Maayos na public record ng bullying cases

Mas Malawak na Kahulugan ng Bullying

Ang bullying ay paulit-ulit o matinding pang-aapi ng isa o higit pang mag-aaral sa kapwa mag-aaral sa loob o labas ng paaral o kahit online.

Saklaw nito ang:
✔️ Physical Bullying
✔️ Psychological o Emotional Bullying
✔️ Verbal Bullying
✔️ Cyber-bullying
✔️ Social Bullying
✔️ Gender-based Bullying
✔️ Pre-cursor to Bullying dulot ng takot o pinsala sa biktima

Paano mag-report ng bullying?

❗ Magsumbong sa guro, principal, Learner Formation Officer (LFO) o Disciplining Authority ng paaralan (Pwede ring anonymous report)
❗ May 30 araw ang paaralan para mag-imbestiga at resolbahin ang kaso
❗ Kung hindi sang-ayon, maaaring umapela sa:

📄 Division Office
📄 Regional Office kung hindi pa rin sang-ayon sa desisyon ng DO
📄 Central Office kung nais pang i-akyat ang kaso

Ang eskuwela ay lugar ng pagkatuto, hindi ng pang-aapi. Wala dapat puwang ang bullying sa kahit anong sulok ng ating mga paaralan at lipunan. 

- EDUCATION SECRETARY SONNY ANGARA


Source: DepED