𝗠𝗔𝗖𝗕𝗢𝗢𝗞 𝗔𝗜𝗥 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗨𝗥𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗨𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗥𝗢

Tayo po ay nagpamahagi ng mga Macbook Air para sa mga guro at punong guro ng mga pampublikong paaralan (sekondarya) sa ating Lalawigan kaninang umaga, ika-18 ng Disyembre sa Bataan People’s Center.

Sa aking mensahe, taus-puso po tayong nagpasalamat sa lahat ng mga bayaning guro sa kanilang mga sakripisyo at serbisyo para makapagbigay ng de kalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral. Ang pagiging isang guro ay hindi po biro dahil sila po ang tumatayong pangalawang magulang ng ating mga anak at ito’y kanilang pinili hindi lamang para magbahagi ng kanilang kaalaman kundi upang makatulong sa ating bansa sa pamamagitan ng paglinang at paghubog sa mga kakayahan, kaalaman at pag-uugali ng mga susunod na mamumuno at mangunguna sa iba’t ibang larangan at sektor ng lipunan.

Ang mga laptop po na ito ay gagamitin ng ating mga guro at punong guro sa pagganap ng kanilang mga sinumpaang tungkulin at sa patuloy na pag-implementa ng ating programa sa paggamit ng XEPTO Learning Management System (LMS) na layong magkaroon ng access ang ating mga mag-aaral sa learning materials na ginagamit ng ating mga guro kahit sila ay nasa kanilang sariling tahanan at malinang ang pagiging self-learner ng ating mga mag-aaral. Ito po ay kaakibat ng inilunsad nating Fiber to Home Project: Libreng Internet para sa Edukasyon.

Source👇