Naglaan ang lokal na pamahalaan para sa taong ito ng ₱103.5 milyon para sa mga empleyado ng Department of Education sa Makati (DepEd-Makati). Susuportahan din umano ni Mayor Abby Binay ang mga hakbang upang mapabuti ang working conditions ng mga guro.

     LOOK > Updating the Salary Schedule for Civilian Government Personnel and Authorizing the Grant of an Additional Allowance, and for other Purposes

“Every year, the city government allocates a budget for various financial incentives for Makati public school teachers, including additional allowances for teachers in the special education (SPED) and Alternative Learning System (ALS) programs,” dagdag pa ni Binay.

Samantala, sinabi niyang naglaan din sila ng ₱77.5 milyon sa allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan, ₱5.2 milyon sa allowance para sa mga kawani na may kaugnayan sa pagtuturo, at ₱4.3 milyon sa allowance para sa mga non-teaching personnel.

Inihayag ng local government ng Makati nitong Lunes, Agosto 5, na ang kasalukuyang benepisyo ng mga guro sa Makati ay sumasaklaw din sa mga non-resident public school teachers at non-teaching personnel sa ilalim ng DepEd-Makati.