Sa isang public briefing, sinabi ni House Committee on Basic Education and Culture Chairperson Pasig Rep. Romano Romulo na napapanahon nang bawasan ang subjects ng mga estudyante.

Kasunod nito ng plano ng Department of Education (DepEd) na pag isahin na lamang ang Araling Panlipunan (AP) at Music, Arts, Physical Education, and Health (MAPEH).

Ani Romulo, mas magbibigay-daan ito upang mas mapagtuunan ng pansin ang reading comprehension at Math subject ng mga bata. 

Tatawagin ang bagong subject na ito bilang Sibika, Kultura, Kasaysayan, at Kagalingang Pangkatawan o SIKAP, na ituturo mula Kindergarten hanggang Grade 3.

Source: PTV

------------

Complete MELCs with CG Codes and Guidelines for Kinder to Grade 12 in all subjects: DOWNLOAD
Guide for Teachers in use of MELCS: DOWNLOAD