𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢 𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗣𝗘𝗗 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗗𝗜𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗜𝗜, 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗔𝗕𝗥𝗜𝗟 𝟮𝟰 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝟮𝟵; 𝗠𝗢𝗗𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗟𝗘𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚, 𝗜𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗕𝗨𝗡𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡!

Sinuspende ng Department of Education (DEPED) Pangasinan Division II kabilang ang Mangaldan, ang face-to-face classes habang pansamantalang ipapatupad ang Modular Distance Learning sa mga pampublikong paaralan mula Abril 24-29, 2023, bunsod ng nararanasang matinding init ng panahon. 

Ugnay ito sa Division Memorandum na nilagdaan ni Dr. Lorna G. Bugayong, Pangasinan II Schools Division Superintendent nitong  ika-22 ng Abril. 

Alinsunod din ito sa inilabas ng Office of the Assistant Secretary for Operations (OASOPS) ng DEPED na Memorandum No. 2023-077 base na rin sa nakasaad sa Deped Order No. 037, series of 2022 o ang “Guidelines on the Cancellation or Suspension of Classes and Work in Schools in the Event of Natural Disasters, Power Outages/Power Interruption, and Other Calamities. 

Nakasaad sa OASOPS Memorandum No. 2023-077 na pinapalakas ng DO No. 037, s of 2022, ang pagpapaalala at pagpapaubaya ng DEPED sa lahat ng mga pinuno ng mga paaralan na suspendihin ang in-person classes at ilipat sa modular distance learning ang klase sa mga pampublikong paaralang kanilang nasasakupan na nakakaranas ng mataas na temperatura o sobrang init na panahon na nakakaapekto sa pagsasagawa ng pagtuturo lalo na sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Isa ang Pangasinan sa may mataas na naitatalang heat index simula pa nang kasagsagsan ng warm and dry season nito pang buwan ng Marso, kung kaya’t malaking bagay ang pagkakaroon ng Modular Distance Learning para maisaprayuridad ang proteksyon, kapakanan at kalusugan ng mga mag-aaral dala ng matinding init na nararanasan ngayon. 

Pumalo ng 43°C ang naitalang heat index ng PAGASA Dagupan Station kahapon, ika-23 ng Abril, kaya naman pinapaalalahanan ang publiko na palagiin ang pag-inom ng tubig at umiwas sa pagbababad sa ilalim ng init ng araw upang makaiwas sa heat stroke at heat exhaustion.

SOURCE:👇

------------

Complete MELCs with CG Codes and Guidelines for Kinder to Grade 12 in all subjects: DOWNLOAD
Guide for Teachers in use of MELCS: DOWNLOAD