Umani ng negatibong reaksiyon sa mga guro ang isang post sa social media na pinaniniwalaang galing sa account ng artista at mang-aawit na si Audie Gemora. Ang post ay mula diumano sa isang public school teacher na nakatakda sanang maglingkod sa halalan ngunit umatras matapos matuklasan na may plano ang isang kampo ng tumatakbong pangulo na mandaya at gamitin ang mga guro.
   New Weekly Learning Plan-Download
Ayon kay Benjo Basas, Chairman ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ay hindi umano posibleng magamit ang mga guro sa pandaraya sapagkat napakahaba ng prosesonog pinagdaraanan upang mapili o maaprubhan ang pag-upo nila sa halalan bilang miyembro ng electoral board (EB) o iba pang tungkulin.

“Imposibleng mandaya o magamit sa pandaraya ang mga guro. Nakaugat sa malalim na propesyunalismo ang paggampan na ito sa tungkulin at hindi basta-basta ang pagpili sa kanila. Ngayong kung mayroon mang ganoong mga pangyayari, hindi po namin ito kukunsintihin. Mabigat ang alegasyon at baka kailangang imbestigahan ito ng Comelec,” pahayag ni Basas.

Ayon pa rin sa nasabing post ay gagawin umanong P15, 000 ang halagang P9, 000 na matatanggap ng mga kaspi ng EB kung makikiisa ang mga ito sa gagawin operasyon ng nasabing pulitiko.

“Hindi itataya ng mga guro ang trabaho, lisensiya, karangalan at Dignidad para lang sa anim na libong piso o kahit pa magkano,” paliwanag ni Basas at sinabing marahil ay paninira lamang ng kung sinumang kampo ng mga kandidato ang post. Gayunman, ayon pa rin sa kanya, kung sakaling totoo ang alegasyon ay handa umano silang sumuporta.

“Kung iyan man ay totoo aba’y kailangang lumantad sila dahil seryoso ang alegasyon. Kung totoo iyan ay malalagay sa alanganin hindi lamang ang halalan kundi maging ang karangalan ng ating mga guro. Lumantad sila at handa kaming sumuporta,” pagtatapos ni Basas.

Ang TDC sa pakikipagtulungan sa Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ay may mga hotline na tatanggap ng mga ulat, tanong at sumbong mula sa mga guro at sa publiko mula bukas, Mayo 8 hanggang sa Martes, Mayo 10. 


Free to download: