2022 DepEd Election Task Force, Itinatag

Sa layuning matiyak ang malaya, maayos, tapat, mapayapa, at kapani-paniwalang halalan sa darating na ika-9 ng Mayo, pinahintulutan ng Comelec na magtatag ang DepEd ng 2022 DepEd Election Task Force o ETF, at paglagay ng Operation and Monitoring Center sa Central, Regional, at Schools/City Division Offices. Ang Bulwagan ng Karunungan ang magiging Operation and Monitoring Center mula ika-8 ng Mayo hanggang ika-10 ng Mayo, 2022.

Ito ay upang matiyak ang pagsunod at pagpapatupad ng lahat ng mga kautusan at tagubilin kaugnay sa mga tungkulin sa halalan ng mga tauhan ng DepEd.

Basahin ang mga detalye ng
DepEd Memorandum No. 10, s. 2022



Source: DepEd