MGA KATANUNGAN PARA SA SCHOOL YEAR 2021-2022 ENROLLMENT

 Q: Kailan maaring magpatala para sa SY 2021-2022?

A: Para sa SY 2021-2022, ang pagpapatala ay magsimula sa Agosto 1, 2021 at magpapatuloy hanggang sa unang araw ng taong panuruan sa Setyembre 13, 2021.

 Q: Paano isasagawa ang pagpapatala ngayong Taong Panuruan?

A: Ang pagpapatala ay pangunahing isasagawa sa pamamagitan ng remote enrollment sa mga lugar sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)

Gayumpaman, ang mga magulang o tagapag-alaga ay maaaring magpasa ng pisikal na Modified Learner Enrollment and Survey Form (MLSEF) sa mga paaralan sa mga lower risk areas (ibig sabihin, ang General Community Quarantine[GCQ] at Modified General Community Quarantine[MGCQ]. Marapat lamang na mahigpit na sundin ang mga itinakdang health protocols sa inyong lugar.

 Q: Paano ipatutupad ang remote enrollment?

A: Katulad ng proseso ng pagpapatala noong nakaraang SY 2020-2021, ang mga mag-aaral ay maaring i-enroll sa pamamagitan ng phone call, text o SMS, at online ng pagsusumite ng MLSEF upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. Walang face-to-face interaction sa prosesong ito.

Para sa iba pang detalye tungkol sa pagpapatala, basahin ang DepEd Order No. 32, s. 2021.

Source: DepEd Philippines

Free to download: