House Bill 9652 or An Act Exempting From Income Taxation The Honoraria, Allowances, And Other Financial Benefits Of Persons Rendering Service During An Election Period, Amending For The Purpose Section 32 (B ) (7) Of The National Internal Revenue Code Of 1997, As Amended, has been approved on 3rd and final reading in the House of Representatives.

The bill is principally authored by ACT Teachers Rep. France Castro consolidated from HB 225 and other similar bills.

READ: Rep. France Castro's Explanation of vote:

Explanation of Vote to House Bill 9652
Assistant Minority Leader and ACT Teachers Party-List Rep. France Castro

Ginoong Speaker, mga kapwa ko mambabatas, magandang hapon.

Kinagagalak naming maipasa ng kapulungan ito ang House Bill 9652 na naglilinaw sa tax-exempt status ng honoraria, travel allowance, at iba pang mga benepisyong natatanggap ng publlic school teachers, mga kawani ng DepEd, at iba pang mga mamamayang nagboboluntir bilang chairs at miyembro ng electoral boards gaya ng Boards of Election Inspectors sa tuwing may halalan.

Mahigit sampung taon na ang nakaraan mula hinain ng ACT Teachers Party-List noong 15th Congress ang panukalang naging Republic Act 10756 o ang Election Service Reform Act. Halos tatlong taon ang lumipas mula noong hinain namin ang panukalang naging House Bill 9652. Talagang napakahaba na ng tinakbo ng kampanya para sa makataong kompensasyon at makabuluhang pagkilala sa mga paghihirap at sakripisyo ng libu-libong guro at ibang mamamayan na nagbo-boluntir tuwing eleksyon.

Kinukumpirma lamang ng House Bill 9652 ang batayan ng aming panawagan: Sa unang punto pa lang noong 2018, walang batayang ligal ang utos ng BIR na kaltasan ang maliit nang mga benepisyo ng poll service volunteers sa pamamagitan ng pagpapataw ng bagong buwis. Hindi dapat bawasan pa ang kakarampot nang honoraria, travel allowances, at iba pang benepisyong tinatanggap ng mga sinusuong ang iba’t ibang panganib para lamang itaguyod ang halalan at protektahan ang mga boto ng sambayanang Pilipino. Dapat nga ay taasan pa ang mga benepisyong ito, kaya kaakibat ng HB 9652 ang panukalang irebyu ng COMELEC ang halaga ng honoraria, travel allowance, at mga compensation package na nasa ESRA. Limang taon na ang lumipas matapos ipasa ang batas pero hindi pa ini-increase-an ang mga benepisyo sa kabila ng mandato sa COMELEC na irebyu at ipanukala ang pagtaas ng mga ito.

Pinapasalamatan natin sina Senadora Nancy Binay na naghain ng Senate Bill 117 at Senador Win Gatchalian na naghain ng Senate Bill 1193. Ngayon ay nananawagan kami sa Senado na ipasa sa kagyat na panahon ang panukalang ito, para naman matanggap ng election service volunteers nang buong-buo ang mga benepisyo nila sa 2022 elections—dahil nakikita nating mas matagal, mas mahirap, at mas peligroso ang halalan dahil sa pandemya at pulitikal na klima.

Source: Act Teachers Party-List

Free to download: